Friday, June 17, 2005

bente otso...

si binoy ay bente otso na.
may saya at may galak sa isa na namang biyayang natanggap nya.

kay bilis ng araw, kay bilis ng taon. parang kailan lang uhugin pa sya.
patakbu-takbo sa kalsada at madalas palo ang abot dahil sa pagkamaiyakin nya.

sa paglipas ng panahon, madami na rin ang nangyari't nag-iba. mula sa nayon hanggang mapunta sya sa ibang bansa. natutong syang mabuhay na mag-isa gaya ng iba at natutong magmahal hanggang sa mabihag ang puso nya.

sabi nga ng isang kaibigan...
"i'm 28, i'm beautiful and i can get any guy i want!"

tulad nya, si binoy ay bente otso na. di man sya maganda at di man naghahangad ng binata. ngunit alam ko, sya'y nakahanap na ng babaeng pakakasalan nya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home